Wednesday, November 29, 2017

Perfection is an Aberration

Not because your boss never gets mad at you means you are not making mistakes at work... Ever wonder why the word favoritism was invented?...

You are not perfect my boy!!! You'll never be... Don't drown yourself with too much arrogance.

So never judge my capabilities from the eyes of my haters for they are a bunch of insecure egotists who cannot fill in their own confidence.


Tuesday, November 21, 2017

Private Joke

It is how you read my mind like a personal letter to you,
It is the private jokes only you and I are laughing,
It is how you continue what I am saying,
It is how you accept me in all of my shades and hues.

It is the deepest thoughts that I only share to you,
It is the secrets that I have that only you knows,
It is the darker side of me that only to you I show,
But my heart keeps something nobody knows... No, not even you.

Sunday, November 19, 2017

#12 Isang Dosenang Tula ng Isang Makata

Muling pag-yamanin natitirang ginto,
Mistulang kastilyo ng mga alipin at mga bigo,
Paraiso ng panaginip, mang-mang at matalino,
Ang siyang nag-wawagi ay ang di sumusuko.

Lakas ng loob, tatag ng ulo,
Pang-laban sa nag-hihikahos na puso,
Sa agos ng buhay, sa ugoy ng duyan,
Mahimbing na pag-tulog sana ay makamtan.

Matibay na pag-katao at busilak na budhi,
Patak ng luha ang nag-pupuno ng paunti-unti,
Nag-hihingalong tuhod sa kawalan ng pighati,
Muling masilayan matamis mong ngiti.

#11 Serye

Minsa'y aking naitanong sa sarili,
Ang buhay nga ba ay isang serye ng mga pangarap na kalahati,
Isang musikang walang gustong makinig,
Musikang bumabalot sa mundo kong unti-unting sumisikip.

O bakit ang puso'y tila kay hirap matuto,
Kahit ilang beses ipagtulakan bumabalik pa din ito,
Ipagpipilitan kahit pa-ulit uliting di na pwede tayo,
Aasa hanggang huling hininga ay matanto.


#10 Pangarap

Minsan ang pangarap ay parang pagmamahal,
Nag-aalab na puso ang apoy kay hirap matanggal,
Pangarap na kay hirap abutin pag nahawaka'y biglang mawawala,
Dasal at luha tila hindi naman gumagana.

Minsan ang pag-ibig ay parang pangarap,
Inakalang kay daling marating makukulay na ulap,
Pag-ibig na abot-kamay tila bulang nag- lalaho,
Ang dating masaya nating mundo tila'y gumuguho.


#9 Rakista

Kumakanta habang may hawak na pick at gitara,
Tila personal na liham ang bawat awit na iyong ginagawa,
Patungo sa puso tagos bawat salita,
Bawat letra ay balot ng hiwaga.


#8 Tinta

Ang pangalan mo'y nais kong isulat,
Gamit ang itim na tinta dito sa aking balat,
Sapagka't alam kong huli na ang lahat,
Ang mahalin ka sa malayo ay tama na at sapat.


#7 Nebula

Sa may dakong doon,
Hiling ba'y matutugon,
Bawat bagsak ng bulalakaw,
Ngalan mo ang siyang sinisigaw.

Pipitasin isa-isa ang mga tala,
Hanggang mga bituin sa langit ay wala ng makita.
Iguguhit ang larawan mo sa bawat nebula,
Sa madilim na langit masulyapan ang iyong mukha.

Saturday, November 18, 2017

#6 Ika-10 ng Umaga

Munting sandali,
Sa mesang kaharap ay kape,
Nanunumbalik ang mga dati,
Mga pangarap na hindi na nai-uwi.


Wednesday, November 15, 2017

#5 Kahon at Tala

Sa ilalim ng mga tala,
Naka dungaw sa bintana,
Hawak ang mainit na kape,
Habang pikit ang iyong mga mata sa aking tabi.


Tuesday, November 14, 2017

#4 Realidad

Sapagka't ito ang realidad,
Hindi lahat ng pangarap ay natutupad,
Kaligayahan ko'y hahayaang lumipad,
Pagka't mas mahalaga ang iyong seguridad.

Monday, November 13, 2017

#3 Himig sa Dilim

Saan ka nga ba tutungo?
Hiwaga ng agos mo,
Bawat hirap, bawat sakripisyo,
Mas mahalaga ka kaysa pangarap ko.

Sunday, November 12, 2017

#2 Munting Perpekto

Sa mundo mong magulo at masikip,
Munting panahon nakadungaw sa bintana at nag-iisip,
Habang kumakain ng tsokolate at nagmamasid,
Tulog ang mga tao at mga tala'y nakasilip.

.

Saturday, November 11, 2017

#1 Sa Dulo ng mga Daliri

Kaibigan kong gitara, papel, lapis, at bintana,
Matang nakatanaw sa himig na pilit ginagawa,
Kelan nga ba dapat ihinto ang pangarap na tila walang pupuntahan,
Ngunit musika ang siyang tanging laman ng puso at isipan.

Ikaw, ikaw na sumasalamin sa bawat awit na nililikha,
Ikaw ang siyang pangalan sa bawat karakter na ginagawa,
Ang siyang tema sa likod ng bawat tula,
Ang tunog sa dulo ng mga daliri tuwing nag gigitara.

Sa bawat kape, alak, at usok ng sigarilyo,
Sa bawat hiwaga ng gabi at pag-asa na dulot ng umaga,
Alab ng pusong di paaawat at di sumusuko,
Masilayan muli ganda ng mukha mo.