Sunday, January 10, 2010

Poisons And Tongues





Lagi nating sinasabi na “ mahirap mag salita ng hindi pa tapos” pero ang masaklap at mapait na katotohanan ay pwede naman talaga tayong mag salita dahil wala naman talagang tunay na katapusan. Patuloy na iikot ang mundo, patuloy na meron mamamatay at mabubuhay. Pwede tayong mag salita pero ang totoo, takot lang tayong mag salita dahil takot tayo na baka hindi natin mapanindigan ang ating binitiwang salita. Hindi tayo takot sa salita... takot tayo sa paninindigan. Pero kung tutuusin, kung may lakas tayo ng loob na manindigan... kaya natin mag salita at panindigan ang bawat sinabi natin... at hindi na natin muli sasabihin ang kasabihang - “mahirap mag salita ng hindi pa tapos”.