#4 SILAB
Sa wari ko'y tila isa kang sugo
Naka ukit ang larawan mong hawak ay sulo
Sa isipan ko doon ito nakatago
Habang buhay na tatanawin ang pag-dating mo sa buhay ko.
Nag-silbing tanglaw sa kadiliman
Sa malamig kong mundo't kaharian
Silab mo'y nag dulot ng kaliwanagan
Sa bisig mo ang aking kanlungan.
P.s. I told you...
I could give you fifty reasons
Why I should be the one you choose...
All those other girls, well they're beautiful
But would they write a poetry for you?