Sunday, December 15, 2019

Isang Dosenang Tula Para Sa'yo

#3 NAGBAGO


Minsa'y umikot ang mundo ko sa'yo
Iyong pinahinto lahat ng gulo
Ako'y iyong natagpuan
Ikaw ang aking kanlungan.

Ngunit lahat ay nawala sa isang iglap
Akala ko'y ikaw ang aking pangarap
Damdamin ko ngayon iba na ang tanggap
Sapagkat ang puso ko'y di na ikaw ang hinahanap.