Wednesday, October 30, 2019

Pangarap

Kung mangangarap ka, mangarap ka ng bagay na hindi mo kontrolado.

Kasi, pag kontrolado mo ang isang pangarap, hindi pangarap iyon...Ambisyon iyon.

Ano pinag ka-iba?

Kung gusto mo maging doktor o abogado, basta mag sumikap ka at mag-aral ng mabuti, makakamit mo iyon... 
Kasi kontrolado mo ang sarili mo na mag-pursige para makamit ito.
Ang tawag diyan ay Ambisyon.

Iba ang pangarap...

Tulad ko, ang pangarap ko ay makakita ng isang bulalakaw o bituing-alpas...
Nananatiling isang pangarap ito sapagkat kahit gabi-gabi ako mag-puyat sa kakatingala sa langit, kung walang babagsak na bulalakaw ay mananatiling isang hiling ito.
Sapagkat hindi ko kontrolado ang pagbagsak ng bulalakaw mula sa langit.

Ngunit pinipili kong mangarap...

Dahil ang katuparan nito ay tunay na kaligayahan.