Sunday, November 19, 2017

#12 Isang Dosenang Tula ng Isang Makata

Muling pag-yamanin natitirang ginto,
Mistulang kastilyo ng mga alipin at mga bigo,
Paraiso ng panaginip, mang-mang at matalino,
Ang siyang nag-wawagi ay ang di sumusuko.

Lakas ng loob, tatag ng ulo,
Pang-laban sa nag-hihikahos na puso,
Sa agos ng buhay, sa ugoy ng duyan,
Mahimbing na pag-tulog sana ay makamtan.

Matibay na pag-katao at busilak na budhi,
Patak ng luha ang nag-pupuno ng paunti-unti,
Nag-hihingalong tuhod sa kawalan ng pighati,
Muling masilayan matamis mong ngiti.