Monday, March 27, 2017

Awit at Wika

Ito ang aking wikang kinagisnan ngunit parang ngayon ko lamang ito naintindihan.
Ito ay lagi ko nang naririnig ngunit parang ngayon ko lamang ito napakinggan.
Ang ganda pala.
Sa tinagal tagal ko nang sumusulat nang mga awit hindi ko magawang makapag sulat ng kanta gamit ng sarili kong wika. Mas komportable kasi ako sa wikang ingles.
Ang aking wikang kinagisnan kasi ay sadyang magandang wika kung maayos ang iyong pag pili ng mga salita sa pag likha. Iyon ang bagay na kailangan kong mahasa.
Sa ngayon ako ay nasa simula ng bagong pamamaraan ng pag sulat ng kanta.
Kanta gamit ng aking sariling wika.