Friday, September 11, 2015

Amputated

May mga bagay na pag nawala kahit anong pilit ay hindi na maibabalik pa. Let's get medical... para lang yan sugat na hindi na naghihilom kasi diabetic ang patient. So wala kang choice kung hindi i-amputate ang paa. Pag naputol na ang paa kahit anong gawin mong pagtatahi sa OR hindi mo na ulit maididikit yan. Habang buhay mong dadalhin ang pait nang pagkawala nang isang mahalagang parte ng katawan mo, isang mahalagang parte ng buhay mo. Pwede mo palitan ng bakal na paa pero alam mo sa sarili mo na hindi nito mapapantayan ang nawala sayo. Mamumuhay ka nang maayos sa abot nang iyong makakaya pero kahit kailan hindi mo malilimutan ang nawala sayo. It's not about moving on but just getting used to it... ika nga.

Gets mo naman ito siguro. Medtech ka di ba? Tanong mo sa magulang mo kung hindi malinaw sayo. Minsan lang ako humugot nang ganito kalalim kasi malalim din yung sugat na pinag mulan nyan. Kahit nag hilom na, alam ko may nawala na hindi ko na muling matatagpuan sa iba.