Kaibigan kong gitara, papel, lapis, at bintana,
Matang nakatanaw sa himig na pilit ginagawa,
Kelan nga ba dapat ihinto ang pangarap na tila walang pupuntahan,
Ngunit musika ang siyang tanging laman ng puso at isipan.
Ikaw, ikaw na sumasalamin sa bawat awit na nililikha,
Ikaw ang siyang pangalan sa bawat karakter na ginagawa,
Ang siyang tema sa likod ng bawat tula,
Ang tunog sa dulo ng mga daliri tuwing nag gigitara.
Sa bawat kape, alak, at usok ng sigarilyo,
Sa bawat hiwaga ng gabi at pag-asa na dulot ng umaga,
Alab ng pusong di paaawat at di sumusuko,
Masilayan muli ganda ng mukha mo.